dzme1530.ph

Mga grupo ng UV Express, Bus drivers, planong maghain ng petisyon para sa taas-pasahe

Ikinokonsidera ng mga grupo ng UV Express at Bus drivers na maghain ng petisyon para sa dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng operational cost.

Ayon kay UV Express Alliance of the Philippines Secretary General George Jalandoni, naisip ng grupo ang ideya matapos makipag-dayalogo sa mga grupo ng jeepney.

Ayon kay Jalandoni, naniniwala ang kaniyang grupo na may balidong rason para itaas nila ang pasahe bunsod ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo, toll fees, at spare parts.

Samantala, hindi pa napag-uusapan ng mga naturang grupo kung magkano ang hihilingin nilang dagdag-pasahe, subalit inaasahan nila na sa mga susunod na linggo ay maisasapubliko na ang desisyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author