dzme1530.ph

Veteran actress na si Angie Ferro, pumanaw sa edad na 86

Pumanaw na ang veteran actress na Angie Ferro sa edad na 86.

Pasado ala-5 ng hapon, kahapon nang bawian ng buhay ang aktres na naratay sa karamdaman mula nang ma-stroke noong Mayo ng nakaraang taon.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Angie na si Noel Estonillo Miralles, ibuburol ang aktres sa St. Peter’s Chapel sa San Jose Del Monte City, sa Bulacan.

Aniya, hindi na naka-recover si Angie mula nang ma-stroke noong nakaraang taon subalit hindi naman ito pinabayaan ng Artist Community.

Kabilang sa mga tumulong si Boy Abunda, ang Film Development Council of the Philippines, at Cine Olivia ng filmmaker na si Lav Diaz. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author