Inaresto ng Australian Police ang 45-anyos na lalaking pasahero ng Malaysian Airlines flight mula Sydney patungong Kuala Lumpur, kasunod ng insidente habang nasa kalagitnaan ng biyahe sa himpapawid.
Napabalik sa Sydney ang eroplano makaraang maging agresibo umano ang lalaki at pagsisigawan ang ibang mga pasahero.
Wala namang ibang ibinigay na iba pang detalye ang mga otoridad tungkol sa insidente, subalit inilikas mula sa eroplano ang mga pasahero at crew.
Bunsod nito, ayon sa Sydney Airport, 32 domestic flights ang kinansela habang ang iba pang domestic flights ay na-delay ng hanggang 90-minuto. —sa panulat ni Lea Soriano