dzme1530.ph

Grupong LTOP, pinagsusumite ng liham sa LTFRB kaugnay sa hirit na P2 taas-pasahe

Pinagpapasa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng formal letter ang isang lider ng transport group para sa kanilang hiling na dagdag pasahe.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at mga Operator sa Pilipinas (LTOP) National President Lando Marquez, pinagsusumite sila ng kahit isang simpleng liham ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, III kaugnay sa hirit nilang P2.00 na taas-pasahe sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-035.

Aniya, si Chairman Guadiz mismo ang nagbigay ng direktiba sa kanila at ipinaalam na rin ito kay Transportation Sec. Jaime Bautista.

Nabatid na bukod sa LTOP, isinusulong din ng pagkakaisa ng mga samahan ng tsuper at operator nationwide, Stop and Go, at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, na iakyat sa P14 mula sa kasalukuyang P12, ang minimum na pasahe sa mga jeepney bunsod ng patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author