![]()
“Ikaw na ang bahala sa mga ’yan, tanggalin mo na lahat.”
Ito ang naging bilin ni bagong talagang Transportation Secretary Vince Dizon kay bagong DPWH Secretary Giovanni Banoy Lopez sa pag-turnover niya ng mga dokumento na may kinalaman sa mga opisyal at empleyado ng ahensya na iniimbestigahan dahil sa iba’t ibang paglabag.
Sinabi ni Dizon na bukod pa ito sa 80 officials and employees na una na nilang sinibak sa ahensya sa nakalipas na taon.
Iginiit ng kalihim na kailangang alisin ang mga bulok na empleyado ng ahensya upang maprotektahan ang mga maayos na nagtatrabaho.
