dzme1530.ph

NURSE, PATAY SA PAG-ATAKE HABANG RUMERESPONDE SA EBOLA ALERT SA DR CONGO

Loading

Isang nurse ang nasawi habang isa pang health worker ang nasugatan sa pag-atake habang rumiresponde sa Ebola alert sa north-eastern Democratic Republic of Congo.
 
Ayon sa UN-backed Radio Okapi, ang dalawa ay tinarget ng mga lokal na kabataan na nag-akusa sa kanila na nagko-kontamina ng water sources at pagkakalat ng Ebola virus.
 
Mariing kinondena ng World Health Organization (WHO) ang naturang pag-atake, kasabay ng pagbibigay-diin na dapat maisakatuparan ng health workers ang kanilang tungkulin nang ligtas at may dignidad.
 
Umabot na sa mahigit 4,800 na indibidwal ang nasawi habang 10,000 ang nagkasakit sa DR Congo simula nang mag-umpisa ang Ebola outbreak noong Mayo.

About The Author