dzme1530.ph

BIR, SINUSPINDE ANG MANDATORY DISPLAY NG REGISTRATION SEAL BADGE PARA SA ONLINE SELLERS AT CREATORS

Loading

Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mandatory display ng registration seal badge sa websites, social media business pages, at iba pang digital platforms, until further notice.

Sa Revenue Memorandum Circular No. 113-2026 na nilagdaan ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, nakasaad na ito ay para mabigyang-daan ang maayos na pagpapatupad ng registration verification initiatives ng bureau.

Idinagdag ng BIR na ang mga taxpayer na nakapag-secure na ng kanilang registration seal badges ay maaaring ipagpatuloy ang pagdi-display nito sa kanilang online platforms kung kanilang nais.

Tiniyak ng ahensya na walang penalties na ipapataw sa account ng mabibigong mag-display ng registration seal badge habang ipinatutupad ang suspension.

About The Author