dzme1530.ph

PAGGASTOS NG GOBYERNO NG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS, PINABUBUSISI SA SENADO

Loading

DAPAT busisiin ng Senado ang paggastos ng gobyerno ng unprogrammed appropriations sa ilalim ng national budget simula noong 2022.
 
Ito ang iginiit ng People’s Budget Coalition sa mga senador bilang bahagi ng pagsusuri sa panukalang 2027 national budget.
 
Ang unprogrammed appropriations ay bahagi ng national budget para sa mga proyekto at programa na naka-depende ang implementasyon sa availability ng pondo.
 
Sinabi ni People’s Budget Coalition Co-convenor Zyza Nadine Suzara na mula noong 2022, walang impormasyon kung paano ginamit ang unprogrammed appropriations sa national budget mula 2022 hanggang 2025.
 
Kasama aniya rito ang ₱499 billion na unprogrammed appropriations ng mga taong 2024 hanggang 2025 na idineklara ng Supreme Court na unconstitutional.
 
Sa pagsusuri ng grupo, inilipat sa unprogrammed appropriations ang bahagi ng pondong dapat ay para sa PhilHealth, Philippine Deposit Insurance Corporation at iba pang government-owned and controlled corporations.
 
Sa kanilang pag-aaral, mula sa nasabing halaga, ang 40% o ₱195 billion ay na-release sa DPWH — kung saan ang ₱107 billion ay napunta sa mga flood control projects.
 
Mula rin sa unprogrammed appropriations, may ₱29 billion na napunta sa AICS program ng DSWD at ₱10 billion sa MAIFIP program ng Department of Health na itinuturing na soft pork ng mga mambabatas.
 
Ayon sa grupo, mula 2022, sumadsad ang kredibilidad at tiwala ng publiko sa national budget at ang taxpayers na nagpopondo rito ang nahihirapan.

About The Author