dzme1530.ph

Target na 6% hanggang 7% paglago ng ekonomiya para sa 2023, achievable, ayon sa DOF

Nananatiling “achievable” ang target na 6 %hanggang 7% na Gross Domestic Product (GDP) para sa taong 2023.

Ito ang inihayag ni Dept. of Finance Sec. Benjamin Diokno sa isang mensahe na posibleng makatulong ang agresibong catch-up plan para sa infrastructure projects, mabilis na tugon ng Government-Owned and Controlled-Corporations (GOCCs), at resource-surplus ng local government bilang mahalagang bahagi ng solusyon sa mahing paglago ng ekonomiya sa ikalawang kwarter ng taong ito.

Isa rin aniya sa mga advantage ng Pilipinas ay ang hindi gaanong pagdepende sa exports, dahil ang ilan sa ASEAN neighbors at ang paglago nito sa nakalipas na ilang taon ay pangunahing nakabatay sa pagkonsumo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author