dzme1530.ph

1 patay, 7 sugatan makaraang tambangan ang convoy ng bise alkalde ng Ungkaya Pukan sa Basilan

Isa ang patay habang pitong iba pa ang nasugatan nang tambangan si Ungkaya Pukan Vice Mayor Ahmadin Baharim at military escorts nito sa Basilan.

Ayon sa Western Mindanao Command ng AFP, sampung hindi nakilalang mga salarin ang nagpaulan ng bala sa mga tauhan ng Alpha Company ng 64th Infantry Battalion, kasama si Baharim, lulan ng dalawang KM450 at dalawang civilian vehicles.

Sa report ng WESTMINCOM, isa sa mga sundalo ang napaslang habang pitong iba pa ang nasugatan, kabilang ang isang pulis.

Nagsasagawa umano ang grupo ni Baharim ng ocular inspection sa Barangay Ulitan nang mangyari ang pananambang na nagresulta ng limang minutong bakbakan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author