Makasasagupa ni Mixed Martial Artist Dave Bangguigui ang pambato ng Uzbekistan na si Sanzhar Zakirov sa One Friday Fights 28.
Gaganapin ang laban sa Biyernes, ika-11 ng Agosto sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.
Itataya ni Bangguigui ang kaniyang 9-1 professional record laban kay Zakirov na may 5-0 standing sa straweight bout sa nasabing bakbakan.
Sa ilalim ng main roster, ang 27-anyos na Pinoy MMA ay may isa ng panalo matapos talunin si Marcus Paulo Amaral ng Brazil. —sa panulat ni Airiam Sancho