dzme1530.ph

Alamin kung aling kulay ng bell peppers ang pinakamasustansya!

Ang bell pepper ay mayroong iba’t ibang kulay, depende kung gaano kahinog ang mga ito. maaring mamili mula sa pinakahilaw na green peppers hanggang sa maging yellow, orange, purple, o pula na siyang pinakahinog.

Lahat naman ng kulay ng bell pepper ay mayroong nutritional benefits, pero ang red ang mayroong mas mataas na antioxidant at phytonutrient levels, dahil mas hinog nga sila kumpara sa yellow o green.

Gaya ng lahat ng gulay, ang bell peppers ay natural na nagtataglay ng small amounts of sugar. mas matamis ang red habang medyo mapakla naman ang lasa ang green.

Mataas din ang taglay na Vitamin C ng bell peppers, lalo na ang red. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author