dzme1530.ph

28,000 na registered SIM cards na narekober sa isang POGO facility, posibleng ginamit sa mga scam

Nasa 28,000 registered SIM cards ang narekober mula sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility na umano’y sangkot sa online scams sa Pasay City.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, nakasaad sa bagong SIM Registration Act na ginagarantiyahan na lahat ng owner ay verifiable at hindi magagamit ang SIM cards sa mga iligal na aktibidad.

Gayunman, dahil aniya sa presensya ng 28,000 na nakumpiskang SIM cards sa POGO facility ay kuwestyunable na kung epektibo ang bagong batas sa pagsugpo sa mga scam.

Inihayag ni Remulla na pinag-aaralan na ng mga otoridad kung paano i-apply ang Republic Act 11934 sa naturang kaso at magpapatulong sila sa mga telco para maresolba ang problema. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author