dzme1530.ph

Importers ng raw materials ng vaping products, oobligahin ng BIR na kumuha ng special clearance para mailabas ang kanilang shipments

Oobligahin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga importer ng raw materials ng vaping products na kumuha ng special clearances para ma-release ang kanilang shipments.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na kailangan nilang gumawa ng mga hakbang sa pag-regulate dahil masyado nang maraming vape products ngayon.

Bukod sa authority to release imported goods, kailangan ding mag-apply ng mga importer at manufacturer ng permit to operate.

Idinagdag ni Lumagui na sinisikap ng BIR na tugunan ang shortfall mula sa excise tax collection, na ang pangunahing dahilan ay illicit tobacco products. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author