dzme1530.ph

Health Sec. Ted Herbosa, pabor na gawing legal ang medical marijuana sa Pilipinas

Pabor si Health Sec. Ted Herbosa sa paggamit ng cannabis o marijuana para sa medical purposes, subalit hindi sa pag-aalaga ng naturang halaman sa bansa.

Sinabi ni Herbosa na maari nang gamitin ng mga pasyente sa bansa ang medical cannabis sa pamamagitan ng compassionate special permit na nilagdaan ng Food and Drug Administration para payagan ang importasyon nito.

Aniya, beneficial ang medical marijuana sa mga mayroong cancer, glaucoma, seizure disorder, at iba pang sakit.

Aminado si Herbosa na mahirap kung dito sa bansa manggagaling ang supply dahil posibleng ma-promote ang pagtatanim nito, kaya mas mainam na imported upang madaling makontrol. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author