dzme1530.ph

Mga sasakyang nagdadala ng relief goods, dapat i-exempt sa toll fee

Hinimok ni Sen. Francis Tolentino ang pamunuan ng major tollway companies na i-exempt sa pagbabayad ng toll fees ang mga sasakyang nagdadala ng relief items.

Sa gitna ito ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Central Luzon bunsod ng mga pag-ulan dahil sa epekto ng Bagyong Egay at ng habagat.

Inirekomenda rin ni Tolentino sa Metro Pacific Tollways Corporation na i-refund ang ibinayad ng mga motoristang na-istranded sa North Luzon Expressways dahil sa pagbaha.

Partikular ito sa bahagi ng Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga kung saan umabot ang baha ng 50cm ang lalim.

Iginiit ng senador na dapat maging tulong na ito ng kumpanya sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News 

About The Author