dzme1530.ph

MMDA, hinimok na maglagay ng floating pumps sa ilang bahagi ng NLEX

Hinimok ni Sen. Francis Tolentino ang Metropolitan Manila Development Authority na maglagay ng portable floating pumps sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ipinaliwanag ni Tolentino na dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw ay ilang gabi na rin na stranded ng maraming oras ang mga motorista sa traffic sa NLEX bunsod ng pagbaha.

Partikular aniya na lumulubog sa baha ang bahagi ng Tulaoc Bridge sa San Simon sa Pampanga kaya ilang araw at gabi na ring nagtitiis ang mga motorista sa pagtahak sa NLEX.

Pinakikilos ni Tolentino ang MMDA para magdeploy ng mga portable floating pumps na hihigop sa tubig baha sa NLEX.

May sapat anyang kagamitan ang ahensya para mawala ang baha sa lugar.

Hiniling ng senador kay MMDA Chairman Romando Artes na makipagugnayan na sa NLEX para matulungan ang mga motorista na agad namang tinugunan ng opisyal. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author