dzme1530.ph

BIR, kumpiyansang maaabot ang P2.6-T na target collection ngayong taon

Kumpiyansa ang Bureau of Internal Revenue na maaabot nito ang 2023 collection target na P2.599-T.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ito ay dahil sa patuloy na pagpapatupad ng kanilang programa upang habulin ang mga tiwaling negosyante, gaya ng Run After Tax Evaders (RATE) program, upang maka-kolekta ng tamang buwis.

Mahalaga rin aniya ang revenue collections upang masuportahan ang mga proyekto sa ilalim ng Build Better More, alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang collection target ng BIR ngayong taon ay mas mataas sa actual 2022 collection na 10.95% o P256.444-B. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author