dzme1530.ph

Death toll sa hagupit ng bagyong “Doksuri” sa China, pumalo na sa 20

Sumampa na sa 20 katao ang nasawi habang 20 iba pa ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong “Doksuri.”

Nabatid na una nang nanalasa ang nasabing bagyo sa Pilipinas at Southern Fujian Province bago tumama sa hilagang bahagi ng China.

Dahil sa matinding pag-ulan, ilang bahagi ng kalsada sa Beijing  at ilang lalawigan din ang nalubog sa baha.

Tinatayang namang aabot sa 100,000 libo katao ang inilikas sa naturang lugar bunsod ng bagyong Doksuri.

Samantala, nakapamahagi na ang Gobyerno ng China ng mahigit $15-M na halaga ng tulong sa mga biktima ng naturang kalamidad. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author