dzme1530.ph

BOC, nag-donate ng 4,000 metric tons ng kinumpiskang asukal sa Kadiwa

Idinonate ng Bureau of Customs (BOC) ang 4,000 metric tons o 80,000 bags ng nakumpiskang puting asukal mula sa Thailand para ibenta sa iba’t ibang Kadiwa Stores.

Sa statement, sinabi ng BOC na nilagdaan nina Customs Commissioner Bienvenido Rubio at Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban ang Deed of Donation at Acceptance.

Inihayag ng Customs na ang donasyong puting asukal ay dumating sa Port of Batangas noong January 12, 2023, lulan ng M/V Sunward nang walang Notice of Arrival.

Idinagdag ng BOC na July 21, 2023 nang aprubahan ni Finance Sec. Benjamin Diokno ang panukalang donasyon ng 4,000 metric tons ng refined sugar sa Department of Agriculture. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author