dzme1530.ph

BuCor, nagsumite ng special report sa DOJ kaugnay ng mga isyu sa Bilibid

Nagsumite ang Bureau of Corrections ng special report sa Department of Justice kaugnay ng mga isyu sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni BuCor Director-General Gregorio Catapang Jr. na konektado ang sumiklab na riot kamakailan sa pagitan ng gang members at ang natagpuang pugot na bankay sa septic tank sa loob ng Bilibid.

Tinukoy ni Catapang na ang ugat ng kaguluhan ay pera at agawan sa kapangyarihan.

Tiniyak naman ng BuCor Chief na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maresolba ang problema, gaya ng paglipat sa ilang inmates sa ibang piitan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author