dzme1530.ph

2 hanggang 3 bagyo, posibleng pumasok sa bansa ngayong Agosto – PAGASA

Posibleng pumasok sa bansa ang nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ngayong buwan.

Ayon sa PAGASA, hindi ito malakas at posible ring hindi tumama sa kalupaan.

Subalit, maaari nitong palakasin ang Southwest Monsoon o Habagat na magdudulot ng malakas na pag-ulan at hangin sa buong Pilipinas, gaya ng mga nagdaang bagyo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author