dzme1530.ph

Forthsky Padrigao, nagpaalam na sa Ateneo

Nagpaalam na ang Ateneo Blue Eagle Guard na si Forthsky Padrigao sa kuponan.

Sa kaniyang post sa Instagram, inanunsyo nito ang desisyon na lisanin ang grupo, kasabay ng pag-amin na naging mahirap sa kaniya ang mga nakalipas na buwan dahil sa mga pagkakamaling nagawa noong High School pa lamang siya.

Si Padrigao na miyembro ng Mythical Team para sa UAAP Season 85 ay nagsalita rin hinggil sa nararamdamang hirap sa pagpasok sa klase at pagrepresenta sa Blue Eagles bunsod ng mga kwento, na inilarawan niyang malisyoso.

Matagal na aniya siyang nanahimik dahil kailangan ng kaniyang team na mag-focus sa laro, subalit hindi niya maintindihan kung paano nagkaroon ng mga hindi kaaya-ayang kwento nang manalo sila sa laban sa Seasom 85, kung saan kinailangan niyang sagutin ang mga tanong o mga pagkakamali na hindi naman niya ginawa.

Samantala, nagpasalamat si Padrigao sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang journey at maging sa Ateneo.

About The Author