dzme1530.ph

MRT-3, may alok na libreng sakay sa mga visually impaired simula ngayong Aug. 1 hanggang 6

May alok na libreng sakay ang MRT-3 sa mga visually impaired o may kapansanan sa paningin simula ngayong Aug. 1 hanggang 6.

Ito ay bilang pakiiisa ng MRT-3 sa pagdiriwang ng White Cane Safety Day.

Kailangan lamang magpakita ng PWD ID ang pasahero sa security personnel ng istasyon para aprubahan ang libreng sakay.

Pinahihintulutan din ang isang kasama ng visually impaired passenger na makasakay ng libre sa tren. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author