dzme1530.ph

Big-time oil price hike, sumalubong sa mga motorista ngayong unang araw ng Agosto

 Malakihang oil price hike ang sumalubong sa mga motorista ngayong unang araw ng Agosto.

P3.50 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P2.10 sa gasolina.

P3.25 naman ang idinagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author