dzme1530.ph

Men’s Volleyball Team ng Pilipinas, maglalaro sa Asian Games

Sasabak ang Men’s Volleyball Team ng Pilipinas sa Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

Ang core members ng national team, na kasalukuyang naglalaro sa Southeast Asian Volleyball League ay inaasahan na magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asian stage sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 49-taon.

Kabilang sa mangunguna sa laban ang trio na sina Bryan Bagunas, Marck Espejo, at Steven Rotter.

Naniniwala naman si Philippine National Volleyball Federation (PNFV) President Ramon Suzara sa kakayahan ng mga nasabing manlalaro, lalo’t posibleng makalaban ng mga ito ang powerhouse’s ng Japan at Indonesia. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author