dzme1530.ph

BIR, target mangolekta ng 1% withholding tax mula sa Online sellers sa 4th Quarter ng 2023

Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng credible withholding tax na 1% mula sa partner-merchant’s ng online platforms pagsapit ng ika-4 na quarter ng 2023.

Una nang ipinanukala ng BIR ang pagpapataw ng credible withholding tax na 1 percent sa kalahati ng gross remittances ng online platform providers sa kanilang partner sellers o merchants.

Idinepensa ng BIR ang proposal sa pagsasabing hindi naman ito bagong buwis at ang kanilang koleksyon ay nakapaloob pa rin sa mga umiiral na batas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author