dzme1530.ph

NBP, pinaniniwalaang mayroong tatlong mass graves

Posibleng mayroong tatlong mass graves sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, mayroong usap-usapan tungkol sa mass graves, at nagkataon na mayroong tatlong septic tanks sa loob ng naturang compound na posibleng kinaroroonan ng mass graves.

Naniniwala si Remulla na posibleng senyales ito na mayroong misteryong nangyayari sa piitan.

Sinabi ng Kalihim na ngayong umaga ay mag-uusap sila ni Bureau of Corrections Chief Gregorio Catapang Jr. tungkol sa nangyayari sa Bilibid na lubhang nakababahala.

Noong Miyerkules ay natagpuan sa septic tank ng Maximum Security Compound ang isang pugot na katawan na pinaniniwalaang pag-aari ng 25-anyos na inmate na noong July 15 pa nawawala. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author