dzme1530.ph

RP Blu Girls, nagtapos ang kampanya sa Softball World Cup makaraang talunin ng Italy sa group stage playoff

Nagtapos na ang kampanya ng Philippine National Women’s Softball Team sa 2024 Women’s Softball World Cup makaraang matalo sa host na Italy sa score na 5-6, sa kanilang Group C third place playoff.

Bago ito ay pinadapa ng RP Blu girls ang Italians noong Martes sa 6-5 victory, pati na ang New Zealand sa score na 5-3, para makakuha ng ticket sa group stage playoff round.

Tinapos nila ang elimination round sa ika-4 na spot na mayroong 2-3 card.

Lumahok ang Pilipinas sa 8 Women’s Softball World Cup editions at isang beses pa lamang nanalo ng medalya at nasungkit ang bronze medal na ito noon pang 1970. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author