dzme1530.ph

4 Senior officials ng Phil. Army, hinimok na ipagpatuloy ang pagdadala ng karangalan sa buong Sandatahang Lakas

Nabigyan ng promosyon ang apat na Senior official ng Philippine Army.

Sa naganap na Donning of Ranks Ceremony sa Balangiga Hall ng Armed Forces of Philippines General Headquarters sa Camp Aguinaldo, kapwa umangat sa ranggong Major General sina BGEN Noe Alberto Peñafiel na dating internal auditor ng AFP at BGEN Freddie Dela Cruz, Commander ng Special Operations Command ng AFP.

Habang sina Col. William Peñafiel Jr., Commander ng 902nd Infantry Brigade; at Col. Nasser Lidasan, Assistant Division Commander of 6th Infantry Division, ay nakatanggap ng kanilang kauna-unahang estrelya matapos ma-promote sa Brigadier General rank.

Hinimok naman ni AFP chief Brawner ang mga newly promoted generals na ipagpatuloy ang pagdadala ng karangalan sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas gayundin ang kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa tungkulin. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author