dzme1530.ph

Pasok sa ilang paaralan, trabaho sa mga opisina sa ilang lugar sa bansa suspendido ngayong araw dahil sa bagyong Egay

Suspendido ang klase at trabaho sa mga opisina sa ilang lugar sa bansa ngayong araw, July 25, dahil sa bagyong Egay at Habagat.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng walang pasok ang mga sumusunod:

Lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Pasig City; Ilocos Sur; Morong, Rizal; Laguna; Angeles City, Pampanga; at Rizal, Occidental Mindoro.

Pre-school hanggang Senior High School naman sa pampubliko at pribadong paaralan sa San Mateo, Rizal, at Tanay, Rizal.

Nagsuspinde rin ng pasok ang lahat ng sangay ng gobyerno sa Cagayan at Batanes dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author