dzme1530.ph

COVID-19 protocols sa lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa, inalis na ng DOTr

Inalis na ng Department of Transportation (DOTr) ang COVID-19 protocols at restrictions sa lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito’y matapos i-lift ng national government ang deklarasyon ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOTr sec. Jaime Bautista, agad itong ipatutupad sa air, land, at sea ports sa buong bansa kabilang na rin ang lahat ng tanggapan at attached agencies ng kagawaran.

Dahil dito, hindi na ire-require ang mga commuter na magsuot ng face masks at sumunod sa physical distancing sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author