dzme1530.ph

SONA ni PBBM, itinuring na isang paalala sa obligasyon sa bansa —VP Sara

Pinuri ni Vice President Sara Duterte si Pang.  Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address kahapon, July 25.

Kaugnay nito, sinabi ni Sara na ang SONA ay isang paalala ng kanilang obligasyon sa bansa.

Pinasalamatan din ng pangalawang pangulo ang liderato ni Marcos noong nakaraang taon na nagbigay inspirasyon upang mas maging agresibo sa pagbibigay serbisyo o ng pangako sa mga Pilipino.

Samantala, binanggit ni VP Sara na ang mga repormang inilabas ng Dept. of Education sa pamamagitan ng matatag agenda ay hindi lamang magbibigay benepisyo sa mga mag-aaral, kundi maging sa mga guro at non-teaching staff ng kagawaran. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author