dzme1530.ph

Ilang lugar sa Metro Manila, Cavite, mawawalan ng kuryente sa July 23 —MERALCO

Makararanas ng pagkaantala sa suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite sa July 23 dahil sa isinasagawang maintenance.

Sa inilabas na abiso ng Manila Electric Company (MERALCO), kabilang sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga sumusunod na lugar:

St. Tomas Village 7, Deparo, Caloocan City, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Bagong Silangan, Quezon City, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Gayundin ang bahagi ng J.P Rizal st. mula Macabulos St. patungong Gen. Malvar St. Q.C

Bahagi ng Gen. Geronimo St. malapit sa Bonifacio St. patungo ng M.H Del Pilar at Gen. Alejandruni St., at ilang lugar sa Imus at Dasmariñas Cavite, City, mula alas-3:30 ng madalaing araw hanggang alas-4 ng madaling araw at alas-10 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author