dzme1530.ph

Mga driver ng jeep, tricycle, makatatanggap ng P6-K fuel subsidy —LTFRB

Makatataggap ng one-time P6,000 na fuel subsidy ang mga tsuper ng jeep at tricycle sa huling bahagi ng buwan ng Agosto, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na ang distribusyon ng subsidiya ay magsisimula sa ilang piling lugar sa Metro Manila, subalit nilinaw din nito na sa ngayon ay wala pang eksaktong bilang ng mga benepisyaryo.

Ipinaliwanag din ng opisyal na kaya magbibigay ang ahensya ng ayuda ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ito ay awtomatikong saklaw ng General Appropriations Act.

Nitong Lunes, July 17, nang i-anunsyo ng mga kumpanya ng langis ang pagsirit ng presyo ng gasolina na umabot sa P1.90 kada litro.

P2.10 naman sa kada litro ng diesel at kerosene na pumalo sa P1.80 kada litro. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author