dzme1530.ph

DOTr, tiniyak na matutugunan ang lahat ng nakabinbing driver’s license plastic cards sa Setyembre

Siniguro ni Dept. of Transportation Sec. Jaime Bautista na matutugunan na ang lahat ng pending na driver’s license plastic cards pagtuntong ng Setyembre.

Ayon sa kalihim, ito’y dahil magsisimula na ang paunti-unting delivery ng mga plastic card sa susunod na linggo at makukumpleto aniya ang paghahatid ng nasa 130,000 unissued cards pagdating ng Setyembre.

Dahil dito, maaari nang magtungo ang mga motoristang na-isyuhan ng papel na lisensya para maipapalit sa physical license sa mga tanggapan ng Land Transportation Office simula sa Agosto hanggang Setyembre. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author