dzme1530.ph

Andrea Brillantes, ibinunyag ang paggastos nito para sa dating nobyo na si Ricci Rivero

Matapang na inamin ng sikat na teen star at aktres na si Andrea Brillantes na gumastos siya ng milyon sa ex-boyfriend at Basketball player na si Ricci Rivero.

Sa interview kay Andrea, sinabi nito na para siyang bakla pag in-love lalo na pagdating sa pagreregalo.

Gayunman sinabi ng aktres na wala siyang planong bawiin ang mga ibinigay niya sa dating nobyo dahil wala na aniya itong matitirang gamit sa kanyang condo pag kinuha niya ang mga ito.

Ichinika rin ng aktres na may pagkakataon pa raw na ipinilit niya sa isang show si Ricci pero dahil walang budget, ibinawas na lang ang talent fee nito sa TF niya.

Inabot din aniya ng isang buwan bago siya tuluyang naka-move on sa basketball player.

Wika ni Andrea, “talaga ba iiyakan ko ‘yung lalaki na hindi naman nagpapa-laundry ng isang taon?”

Ngunit nilinaw naman ng aktres na kahit ganoon naman ang nangyare sa kanilang relayon ay wala itong pinagsisisihan dahil aminado naman aniya siya na ‘bagets’ pa siya at marami pang kailangang matutunan sa buhay lalo na sa pakikipag-relasyon.

About The Author