dzme1530.ph

Fil-Aussie player na si Jordan Heading, hindi makapaglalaro sa FIBA World Cup dahil sa back injury

Pansamantalang hindi makapaglalaro si Filipino- Australian player Jordan Heading sa FIBA Basketball World Cup dahil sa back injury.

Ito ang inanunsyo ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na simula aniya nang mag-umpisa ang training noong nakaraang buwan ay inirereklamo na ni Heading ang pananakit ng likod nito.

Sa kasalukuyan, nasa Pilipinas ang 27-anyos na manlalaro at nakatakdang bumalik sa U.S para magpagamot.

Si Heading ay pangunahing bahagi ng rotation ni Reyes sa sixth at final window ng World Cup Qualifiers na ginanap sa Pilipinas noong Pebrero. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author