dzme1530.ph

Lea Salonga, nainis sa mga fans na sumugod sa kanyang Broadway dressing room para magpa-picture

Hindi nagdalawang isip si Lea Salonga na pagsabihan ang mga fans na respetuhin ang boundaries ng mga artist, makaraang ilan sa kanyang supporters ang nilapitan siya para magpa-picture.

Sa video na in-upload sa social media, makikitang ilang fans ang nakikiusap kay Lea na magpa-picture sila sa kanyang dressing room habang pina-a-alalahanan ng broadway star ang mga ito na hindi sila puwede sa backstage dahil hindi sila kasama sa guest list.

Pero sadyang makulit ang mga fans at ikinatwiran kay Lea na kilala nila si G Tongi na co-producer ng show, kaya naman sa madiplomasya pa ring paraan ay pinagsabihan sila ng singer na hindi sila maaring pumasok sa dressing room ng celebrity for security purposes.

Sinundan pa rin ng mga fans ang singer-actress sa paglalakad nito sa hallway sa kabila ng kanyang pakiusap, hanggang sa ituro nito ang exit at sinabihan ang mga fans na lumabas sa pintuan.

Bilang tugon sa insidente, ni-reshare ni Lea sa Twitter ang video ng kanyang interview kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagrespeto sa “personal boundaries” ng isang public figure, kasabay ng pagsasabing mayroon talang “crazy people with bad intentions.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author