dzme1530.ph

90% ng mga inimbitahan sa ikalawang SONA ng Pangulo, nagkumpirmang dadalo

90% naman ng mga inimbitahang panauhin sa ikalawang State of the Nation Adress (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang tumugon na sila ay dadalo.

Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, kinabibilangan ito ng ilang past at present officials, gaya nina Vice President Sara Duterte, dating pangulong Joseph Estrada, at dating Pangulong Gloria Arroyo, na kasalukuyan ding miyembro ng 19th Congress.

Sinabi ni Velasco na mas nais ni Ginang Arroyo na maupo kasama ang mga dating opisyal kaysa pumuwesto sa floor bilang Incumbent Congresswoman.

Idinagdag ng House Secretary General na mayroon na ring maagang nag-abiso na hindi makadadalo bunsod ng health reasons. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author