dzme1530.ph

COMELEC, nais iurong sa 2026 ang 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections

Iaapela ng COMELEC ang desisyon ng Supreme Court na dapat isagawa ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2025.

Nais kasi ng poll body na i-reschedule ito at ganapin sa 2026.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nagpasya ang Comelec en banc na maghain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala sila na hindi dapat ganapin sa kaparehong taon ang dalawang eleksyon.

Magsasabay sa susunod na taon ang national at local elections na gaganapin sa Mayo at ang BSKE sa Disyembre. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author