dzme1530.ph

Halos 90 katao, inilibing sa mass grave sa Sudan

Walumpu’t pito, kabilang ang mga babae at mga bata, ang inilibing sa isang mass grave sa West Darfur, sa Sudan.

Ayon sa United Nations Human Rights Office, mayroong credible information na pinaslang ang mga biktima ng Rapid Support Forces (RSF).

Itinanggi naman ito ng RSF officials sa pagsasabing wala namang conflict ang paramilitary group sa West Darfur.

Napilitan umano ang mga residente na ilibing ang mga bangkay sa malaking hukay sa pagitan ng June 20 at 21, at karamihan sa mga ito ay binawian ng buhay bunsod ng hindi nagamot na mga sugat. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author