dzme1530.ph

Aljur Abrenica, nakipag-bonding sa buong pamilya ni AJ Raval

Nakipag-bonding ang aktor na si Aljur Abrenica sa buong pamilya ng kanyang girlfriend na si AJ Raval.

Sa pamamagitan ng Facebook ay ibinahagi ni AJ ang litrato ng naging lakad nila kasama ang kanyang mga kapatid, ama na si Jeric Raval, at boyfriend na si Aljur.

Walang inilagay na caption ang sexy star kaya hindi matukoy kung saan kinunan ang larawan.

Gaya ng inaasahan, maraming netizens ang nagkomento, at kabilang sa mga ito ay pasaring na halatang mahilig si Aljur sa mga anak ng action star.

Ang isa pang anak ng action star na tinukoy ng netizens ay ang estranged wife ng aktor na si Kylie Padilla na anak ni action star at Sen. Robin Padilla.

About The Author