dzme1530.ph

Ammonia sumingaw sa isang planta ng yelo sa Navotas

Loading

Nagkaroon ng Ammonia leak sa isang planta ng yelo sa Navotas City, kagabi.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at iniimbestigahan na ang insidente.

Naisara na rin ang valve connection pipe na pinanggalingan ng pagtagas ng ammonia at agarang nailikas ang 15 katao na nasa loob sa planta.

Wala namang naaapektuhang residente sa lugar.

About The Author