Anim ang patay habang isa ang sugatan sa pananaksak sa isang Kindergarten sa Guangdong Province, sa China.
Ayon sa tagapagsalita ng City Government sa Lianjiang, kung saan nangyari ang insidente, kabilang sa mga biktima ay isang guro, dalawang magulang at tatlong mag-aaral.
Isang 25- anyos na lalaki naman ang inaresto at umamin na intensyonal ang pag-atake.
Bagaman kontrolado ang mga baril, na-obserbahan naman sa China ang mass stabbing nitong mga nakalipas na taon.