dzme1530.ph

PH Women’s National Football Team, nasa New Zealand para sa pinal na paghahanda bago sumabak sa FIFA World Cup

Nasa New Zealand na ang Philippine Women’s Football Team para simulan ang final preparations para sa kanilang makasaysayang paglalaro sa FIFA Women’s World Cup.

Ipinakita sa Filipinas contingent ang isang video na tumagal ng halos apat na minuto mula sa Philippine Embassy sa New Zealand habang binabati sila ng Consulate officials at kanilang supporters sa Auckland International Airport.

Si Philippine Ambassador to New Zealand Kira Christianne Azucena ang nanguna sa Welcoming Committe.

Ang Auckland ang magsisilbing Base Camp ng team hanggang sa matapos ang group stage.

Makakaharap ng Filipinas sa kanilang first match ang Switzerland sa July 21 sa Dunedin. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author