dzme1530.ph

Kris Aquino, nakipaghiwalay kay Batangas Vice Gov. Mark Leviste

Nakipag-break si Kris Aquino kay Mark Leviste bago umuwi ng Pilipinas ang vice-governor ng Batangas.

Kagabi ay inamin ng TV host-actress na totoong naging magkasintahan sila ni Mark, subalit nagpasya siyang makipaghiwalay dahil hindi umano uubra ang kanilang long-distance relationship.

Sa kanyang post sa social media, nakasaad na long overdue na ang kanyang gratitude post para kay Mark.

Sinabi pa ni Kris na wala kahit isa sa kanyang mga naka-relasyon ang nagbigay sa kanyang ng sobra-sobrang pagmamahal at encouragement.

Aniya, si Mark ay hindi lamang boyfriend kundi naging best friend at confidante, at talagang maaasahan.

Ilang linggo ring nagbakasyon si Mark sa U.S. para bisitahin si Kris subalit tila hindi naging sapat iyon para ipagpatuloy ang maganda nilang relasyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author