dzme1530.ph

Mahigit P26-M na halaga ng ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga miyembro ng media

Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development ng tulong sa iba’t ibang paraan sa mahigit 1,000 miyembro ng media na nasa krisis.

Ginawa ng DSWD ang pahayag, kasunod ng pamamaril sa Abante photojournalist na si Joshua Abiad, na tinutulungan din ng ahensya.

Sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na layunin nila na maipagpatuloy ng mga kagawad ng media ang kanilang tungkulin bilang source ng publiko sa mga makatotohanan at napapanahong impormasyon.

Sa pagtaya ng ahensya, umabot na sa P26.3-M ang halaga ng ayuda na kanilang naipagkaloob sa ilalim ng Media Welfare Project, na kinapapalooban ng healthcare, livelihood, at welfare aid. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author