dzme1530.ph

Paggawa sa halos P10-M na bagong gusali ng RTC sa isang bayan sa Davao Occidental, sinimulan na ng DPWH 

Kinumpirma ng ahensiya ng Public Works and Highways na si Sec. Manuel Bonoan na kasalukuyang ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang gusali sa Munisipyo ng Malita, sa lalawigan ng Davao Occidental na magsisilbing bagong Regional Trial Court (RTC).
Sinabi naman ni Undersecretary for Operations sa Davao Region na si Eugenio R. Pipo, Jr, at ni DPWH Regional Office 11 OIC-Director Juby B. Cordon na ang building project ay matatagpuan sa local government center ng Barangay Lacaron ng bayan ng Malita ay nasa kalahati ng tapos na may 50.65% accomplishment rate hanggang sa kasalukuyan.

Kasama sa proyekto ng gusali ay ang pagkakaloob ng mga courtroom at session hall; mga opisina at workstation; mga silid ng pagpupulong; at iba pang amenities na idinisenyo upang mapabuti ang kalidad ng serbisyo ng RTC.

 

Anya” oras na makumpleto na ang proyekto na bagong gusali ay magbibigay ito ng kaaya-aya at ligtas na espasyo para sa mga judges, lawyers, litigants, and RTC personnel, sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagtiyak ng patas at mahusay na paghahatid ng hustisya.

 

Ayon sa Kalihim, galing ang P9.89-million na pondong ginamit sa proyekto mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Asset Preservation Program ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office (DEO). –ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author