dzme1530.ph

French Navy Reinforce official, bumisita sa PCG Headquarters para sa usapin ng pagpapalakas ng kooperasyon

Mainit na tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang French Joint Commander for Asia Pacific, na si Rear Admiral Geoffroy d’Andigné, sa National Headquarters, Port Area, Manila.

Pinangunahan ni PCG Commandant CG Admiral Artemio M Abu, kasama si PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr ang delegasyon ng Coast Guard Commandant visit.

Kung saan tinalakay ng mga opisyal kung paano palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng PCG at French Navy at ang posibleng pagpapatupad ng kasunduan sa pagitan ng mga armadong serbisyo.

Tinasa din nina CG Vice Admiral Punzalan Jr at Rear Admiral Geoffroy d’Andigné ang mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng PCG at kung paano masusuportahan ng French Navy ang organisasyon.

Kasama rin sa delegasyon ng Coast Guard sa courtesy meeting sina PCG Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan; Coast Guard Public Affairs Office Commander, CG Rear Admiral Armando Balilo; Coast Guard Strategic Studies at International Affairs Deputy Director, CG Commodore Vivien Jane Cay; at Deputy Chief ng Coast Guard Staff para sa International Affairs, CG Commodore Algier Ricafrente. –sa panulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author